Napag-usapan namin ng Nanay ko ang isang artikulo ni Beth
Woolsey na pinamagatang "15 Rules for Peeing." Naging masaya ang
aming dayalogo.
(Naalala ni Nanay yung mga panahong umiihi pa ako sa kama.)
Ilang mga tanong:
1. Ano ang nararamdaman mo habang nakkipagkwentuhan
sa magulang?
- Bilang
isang dalaga at hayskul student, medyo naiilang ako noong ikinukwento
saakin ng nanay ko kung paano ako umihi sa kama dati at kada anong oras.
2. Sang ayon ka ba dito? bakit?
- Sang-ayon
ako sa konteksto dahil kailangan maturuan ang isnag bata kung paano
umakto/umihi ng maayos. May pagka-istrikta nga lang ang persona, dahil
pinipigilan nito ang pagiging "curious" ng bata.
3.Ano ang nais mong sabihin sa magulang mo tungkol dito?
- Nais
ko sanang tanungin ang Nanay ko kung nagamit niya ba itong 15 rules for
Peeing saming magkakapatid o nagkaroon ba ng ganitong mga patakaran noong
kami'y mga chikiting pa lamang.
4. Itala ang 3 Utos ng Magulang habang
nakikipag-kuwentuhan.
Unang Utos: Huwag nang iutos sa iba kung kaya naman
gawin. Kahit bata pa lamang kami, isa itong aral na itinanim na ng aming
mga magulang saaming mga isipan. Ayaw nilang kami'y pala-asa sa iba.
Ikalawang Utos: Matutong magkusa. Ayaw ng aming
magulang na pinupukpok pa kami bago kumilos.
Ikatlong Utos: Kung gagawa na rin lang, ayusin na ito.
Ayaw nila Mama at Papa ng bara-barang gawin dahil pag-aaksaya lamang iyon
ng lakas at oras.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hiro Yuki Dela Pena
(Nasa kwaderno ang mga kasagutan.)
No comments:
Post a Comment